(File)
Isa na lang mula sa walong lugar ang nakasailalim sa granular lockdown sa National Capital Region, ayon sa Philippine National Police (PNP) ngayong Biyernes, Dec. 10.
Base sa pinakabagong datos ng PNP, naka-lockdown ang residential building na may 22 indibidwal sa Quezon City.
Hindi pa rin naman nagpakampante ang PNP dahil nagpadala pa rin sila ng kanilang hanay sa nasabing lugar para matiyak ang seguridad at pagsunod sa minimum health standards.
Sa kasalukuyan, ang local government units (LGUs) ang nagpapatupad ng lockdown at mag-alis ng lockdown.
Matatandaang sinabi ni Metro Manila Council (MMC) head at Paranaque City Mayor Edwin Olivarez na magkaroon lang ng isang kaso ng COVID-19 ay sapat na para i-lockdown ang isang bahay o condominium floor.
(Toni Tambong)
The post PNP: Isang lugar na lang ang nasa ilalim ng granular lockdown sa NCR appeared first on News Patrol.
PNP: Isang lugar na lang ang nasa ilalim ng granular lockdown sa NCR
Source: Trending Filipino News
0 Comments