(In photo: Pinsalang tinamo ng Bohol matapos hagupit ng bagyong Odette.)
Umabot na sa 156 indibidwal ang naiulat na nasawi sa hagupit ng Bagyong Odette, ayon sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Martes, Dec. 21.
Sa kabila ng nasabing bilang, mayorya ng nasawi ay nanggaling sa Bohol na 68 ang namatay at Cebu province na 54 ang nasawi.
Naitala rin ng NDRRMC ang 275 na sugatan mula sa Cebu, Bohol, Negros Oriental, Bukidnon, Misamis Oriental, and Butuan City kung saan dalawa rito ang kumpirmado na.
Umabot naman sa 37 ang nawawala mula sa Palawan, Negros Oriental, Agusan del Sur, Bohol, at Cebu.
Sa tala naman ng Philippine National Police (PNP), nasa 375 ang nasawi sa bagyo.
Habang nasa 515 indibdwal ang sugatan at 56 ang nawawala.
Paliwanag naman ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal na ang kaibahan sa datos ng PNP at ng kanilang ahensya ay nakabase sa ginagawa nilang beripikasyon dahil giit niya na gusto nila na lahat ng detalye ay verified at validated.
Sinabi rin ng Office of Civil Defense na lilinawin nila ang mga datos na inilalabas ng iba pang mga ahensya at maglalabas ng iisang ulat.
(Toni Tambong)
The post NDRRMC: 156 patay matapos ang pananalasa ng bagyong Odette appeared first on News Patrol.
NDRRMC: 156 patay matapos ang pananalasa ng bagyong Odette
Source: Trending Filipino News
0 Comments