Sumadsad sa mahigit sa isang daan na lang ang bilang ng Covid-19 cases sa bansa ngayong araw, December 21.
Ayon sa Department of Health, nakapagtala ito ng 168 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Ito ang pinakamababang kasong naitala simula pa noong May 2020.
Sa kasalukuyan, umabot na sa 2,837,719 ang kabuuang kaso sa bansa ng Covid-19.
Mayroon namang naitalang 372 na gumaling at 10 namatay.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.3% (9,384) ang aktibong kaso, 97.9% (2,777,541) na ang gumaling, at 1.79% (50,794) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, apat mga laboratoryo ang hindi operational noong December 19, 2021.
Mayroon namang 20 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Ayon sa DOH, kailangan pa ring sumunod sa itinakdang minimum health protocols ng gobyerno para maging makaiwas na mahawahan ng Covid-19.

(NP)
The post 168 Covid-19 cases, naitala ngayong araw, December 21; pinakamababa mula May 2020 appeared first on News Patrol.
168 Covid-19 cases, naitala ngayong araw, December 21; pinakamababa mula May 2020
Source: Trending Filipino News
0 Comments