Mga biyahero mula sa walo pang bansa, pinatawan ng travel ban ng Pilipinas

Pinatawan na rin ng travel ban ng Pilipinas ang mga biyahero mula sa walong bansa para makaiwas sa pa rin sa dami ng Omicron COVID-19 variant cases sa bansa.

Kabilang sa mga bansang nasa “Red List” ay ang: Andorra, France, Monaco, Northern Mariana Islands, Reunion, San Marino, South Africa at Switzerland.

Ang nasabing travel ban ay magiging epektibo simula bukas, December 16 hanggang 31, ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Dahil na rin ito sa kumpirmasyon ng Department od Health na may dalawang kaso na ng Omicron variant  sa Pilipinas.

“The restriction covers everyone who has been to these 8 areas in the last 14 days, regardless of their vaccination status,” sabi ni  Nograles.

Tanging ang mga Filipino lamang na magbabalik sa bansa sa pamamagitan ng repatriation efforts at “Bayanihan” flights ang exempted mula sa travel ban.

“To all those who plan to come home during the holidays, we humbly request your patience as we in the IATF continue to make modifications to our protocols. These are all being done in response to evolving situations in the world.”

“We want to keep our people safe, and we will do what is necessary to achieve that,” dagdag na pahayag ni Nograles.

(Toni Tambong)

The post Mga biyahero mula sa walo pang bansa, pinatawan ng travel ban ng Pilipinas appeared first on News Patrol.



Mga biyahero mula sa walo pang bansa, pinatawan ng travel ban ng Pilipinas
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments