Kahit nakapasok na ang Omicron variant sa bansa, mababa pa rin ang kaso ng Covid-19 na naitala ng Department of Health ngayong araw.
Kaninang umaga, kinumpirma ng DOH ang unang dalawang kaso ng Omicron variant sa bansa.
Ngayong December 15, 2021, nagtala ang Department of Health ng 237 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Ito na ang dalawang magkasunod na araw na mas mababa sa 300 ang kaso ng Covid 19 sa bansa.
Dahil dyan, umakyat na sa 2,836,915 kaso ng nagka-Covid sa bansa.
Mayroon namang 565 na gumaling at 100 na pumanaw ngayong araw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.4% (10,193) ang aktibong kaso, 97.9% (2,776,273) na ang gumaling, at 1.78% (50,449) ang namatay.
Mayroon namang 4 na laboratoryo ang hindi operational noong December 13, 2021 at 3 laboratoryo naman ang hindi nakapag-submit ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Patuloy pa rin ang paalala ng gobyerno na mahigpit na sundin ang minimum public health standards.
Agad rin na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.
Ngayong araw, December 15 hanggang 17 ay itinakda ang ikalawang yugto ng Bakunahan, Bayanihan ng gobyerno para mabakunahan nag nakararaming populasyon para sa minimithing “herd immunity.”
(NP)

The post 237 bagong Covid-19 cases, naitala ng DOH ngayong araw, December 15 appeared first on News Patrol.
237 bagong Covid-19 cases, naitala ng DOH ngayong araw, December 15
Source: Trending Filipino News
0 Comments