May dalawang kumpirmadong kaso na rin ng Omicron variant sa India

(File)

Kinumpirma ng India ang unang dalawang kaso ng Omicron COVID variant na nakapasok na sa kanilang bansa.

Sinabi ni Indian health ministry official Luv Agarwal na ang kaso ay naitala sa dalawang lalaki sa Karnataka state na nasa edad 66 at 46.

Ang 66 anyos na lalaki ay dumating sa India mula South Africa habang ang 46 anyos na doctor ay walang travel history.

“As per the protocols all their primary and secondary contacts have been traced and are being tested,” pahayag ni Agarwal isang press briefing.

“No severe symptoms of the Omicron variant of COVID-19 reported so far,” dagdag pa ni Agarwal.

Inilagay na ng India ang ilang bansa sa “at risk” bilang pagtugon sa Omicron variant kung saan ang mga biyahero na galing sa mga bansang ito ay sasailalim sa RT-PCR test.

Kailangan namang hihintayin ang resulta ng test bago sila lumabas ng airport o tumuloy sa kanilang connecting flight.

Nasa 8,000 biyahero na ang nasuri ng India mula nitong Miyerkoles, Dec. 1.

Hinimok naman ni Dr. Balram Bhargawa, head ng Indian Council of Medical Research, India’s top medical research organization, ang mamamayan na huwag magpanic, sa halip ay magpabakuna.

“Increased vaccine uptake is the need of the hour. Don’t delay in getting fully vaccinated,” pahayag ni Bhargawa.

Mahigit 56% ng Indians ang nakatanggap ng isang vaccine dose kung saan 32% nito ay fully vaccinated habang 24% naman ang ay tumanggap ng single shot.

(Toni Tambong)

 

The post May dalawang kumpirmadong kaso na rin ng Omicron variant sa India appeared first on News Patrol.



May dalawang kumpirmadong kaso na rin ng Omicron variant sa India
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments