(Photo courtesy: Vatican News Twitter)
Tiniyak ng bagong kinatawan ng Pilipinas sa Vatican na ipagpapatuloy ang mga programa na makatutulong sa mga Filipino at matapat na paglilingkod alinsunod sa panawagan ng Santo Papa na ‘respect humanity’.
Ito ang mensahe ni Philippine Ambassador to the Holy See Myla Grace Macahilig nang pormal niyang isumite ang credentials kay Pope Francis noong November 20.

Sa panayam ni Radio Veritas Vatican Correspondent Fr. Angelito Cortes, OFM, ikinagalak ng opisyal, ang pagkatalaga sa kanya bilang kinatawan ng Pilipinas sa Vatican makalipas ang mahigit dalawang dekadang panunungkulan sa Department of Foreign Affairs.
“As a new ambassador, I intend to build on the works that have been done and perhaps highlight all the more yung mga bagong issues that are coming,” pahayag ni Macahilig sa Radio Veritas.
Sinabi ni Macahilig na bukod sa paglilingkod sa mga Filipino migrants magandang pagkakataon din ang paninilbihan niya sa pananampalatayang katoliko.
Tiniyak din ng opisyal na ipamamalas ang kaugalian ng mga Filipino sa paglilingkod sa embahada ng Pilipinas sa Vatican at pagiging katuwang na misyonero ng simbahan sa kanyang larangan.
“I hope we will be able to serve yung immediate community natin dito and to represent the Philippines and the Filipino people in the best way we can,” dagdag pa ni Macahilig.
Nanawagan din siya ng pagtutulungan upang higit na mapaglingkuran at matugunan ang pangangailangan ng mga Filipino sa ibayong dagat.
“Kailangan natin magtulungan in all things, we may not always see eye to eye 100-percent on all issues but definitely there are core values and core principles,” saad pa ni Macahilig.
Paiigtingin ng opisyal ang ugnayan ng dalawang bansa lalo’t ipinagdiriwang nito ang ika – 70 anibersaryo ng diplomatic relations.
(Jocelyn Domenden)
The post Bagong Vatican envoy ng Pilipinas, tiniyak ang pagpapatuloy ng mga programa para sa mga Pinoy appeared first on News Patrol.
Bagong Vatican envoy ng Pilipinas, tiniyak ang pagpapatuloy ng mga programa para sa mga Pinoy
Source: Trending Filipino News
0 Comments