Japan kinumpirma ang dalawang kaso ng Omicron COVID-19 variant

(Photo courtesy: Japan Times)

Kinumpirma ng Japan ang dalawang kaso ng Omicron variant ng COVID-19 sa kanilang bansa.

Ito ang inanunsyo ng isang top government spokesman, kasabay ng pagbabawal o pag-ban sa lahat ng foreigners mula sa 10 African countries.

Ayon kay Chief Cabinet Secretary Hirokazu Matsuno, isang lalaking nasa edad 20 ang kumpirmadong infected ng Omicron variant.

Ang nasabing pasahero ay dumating sa Narita airport na malapit sa Tokyo. Galing sa Peru ang nasabing pasahero.

Nadiskubre naman ang ikalawang kaso ng Omicron variant makalipas ang isang araw sa isang diplomat na edad 30 at galing naman sa Namibia.

Ang non-Japanese na lalaking galing sa Peru ay kasalukuyang naka-quarantine sa isang medical facility.

Ayon pa kay Matsuno, hindi papayagan ng Japan na makapasok ang lahat ng foreigners at maging residente nila kahit pa may long-term visa kung nanggaling sa mga bansang Angola, Botswana, Eswatini, Lesotho, Malawi, Mozambique, Namibia, South Africa, Zambia at Zimbabwe.

Ang panibagong safety measures ay epektibo simula sa Huwebes.

Una nang nag-impose ng travel ban ang Japan sa foreigners mula sa ibat-ibang panig ng mundo.

Subalit may exemptions naman sa ilalim ng “special circumstances” na kabilang ang mga asawang foreigner at anak ng Japanese citizens, diplomats at humanitarian cases.

Matatandaang agarang nagsara ang Japan ng kanilang borders upang mapigilang makapasok ang Omicron variant na itinuturing na ‘variant of concern’ ng World Health Organization (WHO).

Unang na-detect ang Omicron variant sa South Africa.

(NP)

The post Japan kinumpirma ang dalawang kaso ng Omicron COVID-19 variant appeared first on News Patrol.



Japan kinumpirma ang dalawang kaso ng Omicron COVID-19 variant
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments