Target ng gobyerno na gawing buwanan ang Bayanihan, Bakunahan na orihinal na isinasagawa ng tatlong araw.
Sa Laging Handa briefing, Biyernes, Dec. 24, sinabi ni Presidential Adviser for COVID-19 Response Secretary Vince Dizon na magtutuloy-tuloy ang natonwide vaccination program ng gobyerno.
Matatandaang nagkaroon na ng dalawang yugto ang Bayanihan, Bakunahan na unang ginanap noong November 29 hanggang December 1 at sinundan noong December 15 hanggang 22.
Ayon kay Dizon na importante ang mass vaccination sa bansa lalo na sa paglitaw ng Omicron variant.
“Tuluy-tuloy po iyan. Kailangan talaga paigtingin natin ito at plano gawin natin iyan buwan-buwan,” pahayag ni Dizon.
“Alam ninyo ang pagbabakuna, tuluy-tuloy na po ito dahil nga sinabi nga ng mga eksperto, itong COVID-19 lagi na lang siyang nagmu-mutate, laging nagkakaroon ng mga iba’t ibang mga bagong variant,” dagdag pa ni Dizon.
Target ng gobyerno na makapagbakuna ng 54 nilyong Pinoy bago matapos ang taon.
(Toni Tambong)
The post Buwanang Bayanihan, Bakunahan target ng gobyerno appeared first on News Patrol.
Buwanang Bayanihan, Bakunahan target ng gobyerno
Source: Trending Filipino News
0 Comments