BuCor: Nuezca, posibleng inatake sa puso

Iginiit ni Bureau of Corrections (BuCor) spokesman Gabriel Chaclag na posibleng atake sa puso ang ikinamatay ni dismissed Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca.

Maaalalang si Nuezca ay sangkot sa pagkamatay ng dalawang indibidwal sa Tarlac noong Disyembre 2020.

Sa inisyal na ulat, sinabi ni Chaclag na ‘cardiac infarction’ ang nasa sanhi ng pagkamatay ni Nuezca.

“Initial findings ng ating medical personnel ay may cardiac infarction ito, ibig sabihin ay baka heart attack,” saad ni Chaclag.

“Hopefully this week kasi gusto naming magkaroon ng resolusyon na itong kasong ito kasi may mga nagsasabing baka hindi raw namatay, yung iba naman sabi pinatay.”

“So to rule out foul play and to rule out rumors ay gusto namin mabilis na matapos yung final investigation report nito at mailabas natin sa public kasi alam namin public interest ito,” dagdag pa ni Chaclag.

Wala ring nakitang mga sugat at pasa sa katawan ni Nuezca.

“Once na na-release na sa funeral service provider at na-autopsy na ay wala na sa amin ang kontrol diyan.”

(Toni Tambong)

The post BuCor: Nuezca, posibleng inatake sa puso appeared first on News Patrol.



BuCor: Nuezca, posibleng inatake sa puso
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments