Magkakaroon muli ng bawas-singil sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa mga oil company.
Asahang may bawas na P2.70 hanggang P2.80 kada litro ang diesel.
Sa gasolina naman pwedeng mabawasan ng P2.50 hanggang P2.70 kada litro.
Ang kerosene ay matatapyasan naman ng P2.70 hanggang P2.80 kada litro.

Ito na ang ika-limang linggo na matatapyasan ng singil ang mga nasabing produkton petrolyo.
Paliwanang ng mga taga-industriya ng langis, dahil ito sa pagbaba ng demand ngayong may travel ban sa ilang mga bansa bunsod ng banta ng Omicron COVID-19 variant.
(NP)
The post Bawas-singil sa presyo ng produktong petrolyo asahan sa Martes, Dec. 7 appeared first on News Patrol.
Bawas-singil sa presyo ng produktong petrolyo asahan sa Martes, Dec. 7
Source: Trending Filipino News
0 Comments