Naitala ng Department of Health ang 564 na karagdagang kaso ng COVID-19 ngayong Huwebes, December 2.
Ang bilang ng nagkasakit dahil sa coronavirus ngayong araw na mas mababa sa 600 ay pangatlong beses na.
Umakyat naman sa 2,833,473 ang kabuuang bilang ng kaso sa bansa.
Mayroon namang naitalang 694 na gumaling at 40 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.5% (15,188) ang aktibong kaso, 97.7% (2,769,533) na ang gumaling, at 1.72% (48,752) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, 2 sa mga laboratoryo ang hindi operational noong November 30, 2021.
May tatlong laboratoryo naman na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 0.9% sa lahat ng samples na naitest at 0.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Sa kabila ng mababang bilang ng impeksyon, patuloy pa rin ang paalala ng gobyerno na pag-ibayuhin ang pag-iingat laban sa virus.
Pinapayuhan din ang publiko na sumunod sa minimum health standards at magpabakuna lalo pa at may banta ng Omicron variant na posibleng mas mabilis makahawa kumpara sa ibang Covid-19 variant.
Kagabi lang ay pinayagan ang voluntary extension ng bakunahan sa bansa hanggang bukas, December 3.
Nakatakda naman ang 2nd round ng bakunahan sa darating na December 15-17.

The post 564 new Covid-19 cases, naitala ngayong araw, December 2 appeared first on News Patrol.
564 new Covid-19 cases, naitala ngayong araw, December 2
Source: Trending Filipino News
0 Comments