Nananatiling nasa mahigit sa dalawang daan ang bilang ng mga kaso ng Covid-19 cases sa bansa.
Ngayong araw, December 23, nagtala ang Department of Health ng 288 na panibagong kaso ng Covid-19.
Umakyat naman sa 2,837,903 ang kabuuang bilang ng nagkasakit sa bansa sanhi ng ng virus habang 270 ang naka-rekober at 65 naman ang pumanaw na.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.3% (9,251) ang aktibong kaso, 97.9% (2,777,671) na ang gumaling at 1.80% (50,981) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, 2 laboratoryo ang hindi operational noong December 21, 2021.
Mayroon namang 11 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 13 laboratoryo ay humigit kumulang 9.1% sa lahat ng samples na nai-test at 4.0% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
BIlang pag-iingat pa rin sa Omicron variant at iba pang variant, pinapayuhan ang publiko na sumunod sa health protocols ng gobyerno.

The post 288 na bagong kaso ng Covid-19, naitala ngayong araw, December 23 appeared first on News Patrol.
288 na bagong kaso ng Covid-19, naitala ngayong araw, December 23
Source: Trending Filipino News
0 Comments