2022 national budget, nakatakdang lagdaan ni Pang. Duterte pagkatapos ng Pasko

Nilagdaan na ni Senate President Tito Sotto III ang enrolled copy ng 2022 national budget.

Agad naman  itong ipinadala sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte para mapirmahan.

Sa susunod na linggo, December 28 ay naka-iskedyul pirmahan din ng pangulo ang General Appropriations Act o GAA para sa 2022.

Oras na mapirmahan ni pangulong Rodrigo Duterte ang 2022 National budget, sinabi ni senate committee on finance chairman senator Sonny Angara na may higit P20-B na magagamit ang gobyerno para pangtulong sa mga sinalanta ng bagyong Odette.

Ayon pa kay Angara, magagamit ito ng pamahalaan para matulungan ang mga nawalan ng bahay at hanapbuhay matapos ang paghagupit ng bagyo.

Kung may savings ang mga ahensya ng gobyerno sa ilalim ng 2021 budget, maaari itong ire-align ni pangulong Duterte para sa relief at rehabilitation effort o para sa calamity response.

Giit pa ni senator Angara, ang kapangyarihan na mare-align ang savings ng pangulo ay naaayon sa konstitusyon at dapat itong ginagawa sa mga sitwasyon na may pangangailangan sa pondo ang gobyerno tulad sa pagtugon sa kalamidad.

(Estrella Bueno)

The post 2022 national budget, nakatakdang lagdaan ni Pang. Duterte pagkatapos ng Pasko appeared first on News Patrol.



2022 national budget, nakatakdang lagdaan ni Pang. Duterte pagkatapos ng Pasko
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments