Walong pasahero ng tumaob na bangka sa Cagayan, ni-rescue ng PCG

(Photo courtesy: PCG)

Walong pasahero mula sa tumaob na motorbanca ang nirescue ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Calayan sa Barangay Poblacion, Calayan, Cagayan noong Nov. 6.

Ayon sa may-ari ng motorbanca na si Ranilo Gumarad, tumagilid ang motorbanca dahil sa hindi balanseng posisyon ng mga pasahero habang papalapit o nasa 25 metrong layo sa pampang na naging  dahilan para ito ay tumaob .

Nasaksihan naman ng PCG personnel ang insidente kaya agad tinulungan ang mga pasahero.

Ang motorbanca naman ay pinagtulungang hilahin patungo sa pampang.

Wala namang nasaktan sa naturang insidente.

(Jocelyn Domenden)

 

 

The post Walong pasahero ng tumaob na bangka sa Cagayan, ni-rescue ng PCG appeared first on News Patrol.



Walong pasahero ng tumaob na bangka sa Cagayan, ni-rescue ng PCG
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments