(Photo courtesy: Screengrab from PTV FB)
Nagpahayag ng suporta sa Pilipinas ang tatlong malalaking bansa kasunod nang insidente sa Ayungin Shoal at maging sa 2016 arbitral victory nito.
Base sa pahayag ng Estados Unidos nitong Biyernes, November 19, nananatili umano itong kaalyado ng Pilipinas sa isyu ng South China Sea.
“The United States strongly believes that PRC (People’s Republic of China) actions asserting its expansive and unlawful South China Sea maritime claims undermine peace and security in the region,” sabi ni US State Department spokesperson Ned Price.
Nagbabala rin ang Amerika na sa China kung sakaling magkaroon ng armadong poag-atake laban sa Pilipinas.
“An armed attack on Philippine public vessels in the South China Sea would invoke US mutual defense commitments under Article IV of the 1951 US-Philippines Mutual Defense Treaty,” dagdag pa ni Price.
Matindi rin ang pagtutol ng Japan sa mga pagtatangka na guluhin ang status quo sa rehiyon.
“Compliance with the 2016 arbitral award and the principle of peaceful settlement of disputes based on international law, UNCLOS, are vital for peace and prosperity for the region,” giit ng Japanese embassy sa Manila.
Nagpahayag din ng pag-aalala ang Australia sa nasabing insidente sa pinag-aagawang teritoryo, at binigyang-diin na patuloy itong makikipagtulungan sa Pilipinas ukol sa maritime issues.
Matatandaang noong isang linggo ay naiulat ang pagharang at pagbomba ng water cannon ng tatlong Chinese Coast Guard vessels sa dalawang supply boat ng Pilipinas na patungo sa Ayungin Shoal.
Matapos naman ang insidente nang pagha-harass ng Chinese Coast Guard sa dalawang supply boat ng Pilipinas sa Ayungin Shoal, may panibagong insidente na naman ang naiulat sa Pagasa Island.
Ayon sa ulat, namantaang muli ang ilang Chinese vessels malapit sa West Philippine Sea kahapon ng umaga, November 20.
Sa ulat namn ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. nasa 45 Chinese maritime militia ships ang nakitang unaaligid sa Pagasa Island noong nakaraang linggo.
Sinabi ni Esperon na nakatakdang magsampang muli ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) bunsod ng insidente.
(Toni Tambong)
The post US, Japan at Australia sinita ang China sa insidente sa Ayungin shoal appeared first on News Patrol.
US, Japan at Australia sinita ang China sa insidente sa Ayungin shoal
Source: Trending Filipino News
0 Comments