U.S., binigyang diin ang suporta sa Pilipinas hinggil sa usapin ng South China Sea

(Photo credit: US Embassy/DFA; Mga kinatawan ng Pilipinas at U.S.A. sa 9th Bilateral Strategic Dialogue)

Muling binigyang diin ng Amerika ang suporta nito sa 2016 Arbitral Award sa Pilipinas versus China hinggil sa usapin sa South China Sea.

Sa ginanap na 9th Bilateral Strategic Dialogue sa pagitan ng Pilipinas at U.S., nilagdaan ng dalawang bansa ang Joint Vision Statement na naglalatag ng mga kongkretong aspeto ng kooperasyon.

Iginiit ng Pilipinas at U.S. na “legally biding” sa Pilipinas at China ang Arbitral Award at ang ginagawa umanong “expansive maritime” claims ng China sa South China Sea ay taliwas sa isinasaad sa international law of the sea.

Sinabi rin ng mga kinatawan ng U.S. na maaaring gamitin ang Mutual Defense Treaty nito sa Pilipinas sakaling magkaroon ng pag-atake sa Philippine Armed Forces, public vessels o kaya’y mga sasakyang panghimpapawid sa South China Sea.

(NP)

The post U.S., binigyang diin ang suporta sa Pilipinas hinggil sa usapin ng South China Sea appeared first on News Patrol.



U.S., binigyang diin ang suporta sa Pilipinas hinggil sa usapin ng South China Sea
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments