(Photo: Dong Del Mundo)
Bibigyan ng kalayaang makapamili ng gusto nilang Covid-19 brand para sa booster shot ang mga healthcare worker.
Ayon sa National Vaccination Operations Center (NVOC), Miyerkules, Nov.17, bibigyan ng kalayaang makapamili ng gusto nilang COVID-19 brand ang mga healthcare worker para sa kanilang booster shot.
Ang anunsyo ay kasunod ng pag-arangkada ng pagtuturok ng booster shot sa mga health worker ngayong araw.
Paliwanag ng NVOC, ang homologous booster dose ay nangangahulugan na ang isang indibidwal ay babakunahan ng kaparehong brand ng bakuna na ginamit sa kanilang unang vaccination.
Ang heterologous booster dose naman ay babakunahan ng ibang brand ang isang indibidwal mula sa nauna nilag primary doses.
Sa isang memorandum, ang mga nasa ilalim ng Priority Group Al: Essential Workers in Frontline Health Services (A1.1 to A1.7) ay bibigyan ng booster shot kapareho man ng unang naiturok na vaccine brand o hindi.
Ang mga health worker na nakatanggap ng Pfizer, Moderna, Sinovac, Gamaleya at AstraZeneca vaccine ay kinakailangang maghintay ng anim na buwan bago maturukan ng booster shot.
Ang mga naturukan naman ng Janssen COVID-19 vaccine ay kinakailangang maghintay ng tatlong buwan bago ang booster shot injection.
Ang mga indibidwal na nabakunahan ng AstraZeneca ay pinapayuhan na tumanggap ng booster shots gamit ang ibang brand dahil sa posibilidad ng pre-existing immunity attenuating o humina ang immune response sa ikalawa o ikatlong dose.
Samantala, sinabi ng NVOC na ang homologous booster dose para sa Sputnik at Janssen vaccines ay hindi pa ipatutupad .
Sa kasalukuyan, tanging ang Sinovac pa lamang ang inirerekomenda bilang homologous booster dose.
Ayon sa DOH, isang booster dose lamang ang ibibigay sa kada indibidwal.
Kailangan lamang na iprisinta ang isang valid i.d. aat ang orihinal na vaccination cards ang isnag indibidwal na tatanggap ng booster doses bilang patunay na sila ay bakunado na at nakakumpleto na ng doses.
Ang vaccination team naman ay dapat tiyakin na ang tatanggap ng bakuna ay alam ang benepisyo, panganib at posibleng epekto ng bawat boosting strategy bago sila bigyan ng opsyong pumili
(Toni Tambong/Jocelyn Domenden)
The post Healthcare workers, pwedeng mamili ng vaccine brand para sa booster shots appeared first on News Patrol.
Healthcare workers, pwedeng mamili ng vaccine brand para sa booster shots
Source: Trending Filipino News
0 Comments