Nanawagan ang United Nations sa pamahalaan na payagan si Nobel Peace Prize-winning journalist Maria Ressa na makabiyahe patungong Norway sa susunod na buwan.
Layon ng biyahe ni Ressa ang pagtanggap ng award sa December 10.
Si Ressa ang kauna-unahang Nobel laureate mula sa Pilipinas na kasamang nanalo ang Russian journalist na si Dmitry Muratov.
Nababahala si UN Secretary General spokesperson Stephane Dujarric sa travel restrictions na ipinataw ng pamahalaan kay Ressa.
“We are indeed very concerned about the travel restrictions placed by the government of Philipppines on Maria Ressa, preventing her from traveling in person to receive the Nobel Peace Prize,” pahayag ni Dujarric sa press briefing.
Matatandaang humingi na ng pahintulot si Ressa sa pamahalaan na payagan siyang makabiyahe patungong Norway.
“We urge the government of the Philippines to immediately withdraw any such restrictions and allow her to travel to Oslo,” dagdag ni Dujarric.
Nauna rito, hiniling ng abogado ng gobyerno o Office of the Solicitor General sa korte na huwag payagan ang pagbiyahe ni Ressa.
Ayon sa Solgen, maaari namang tanggapin ni Ressa ang parangal kahit nasa Pilipinas lang.
(Toni Tambong)
The post UN, nanawagang payagang bumiyahe sa Norway si Nobel Peace Prize winner Maria Ressa appeared first on News Patrol.
UN, nanawagang payagang bumiyahe sa Norway si Nobel Peace Prize winner Maria Ressa
Source: Trending Filipino News
0 Comments