Sumampa ang Pilipinas sa ikalimang puwesto sa may pinakamataas na bilang ng single-day vaccination kontra COVID-19 sa buong mundo.
Ito ang inihayag ng Department of Health ngayon, November 30.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, na siya ring chairperson ng National COVID-19 Operations Center, na sa unang araw pa lamang ng National Vaccination Program ay nakapagtala na ng 2,554,023 doses ng COVID vaccine na naiturok sa buong bansa.
2.5 beses itong mas mataas sa weekly average ng bansa na isang milyong vaccine doses.
Sa bilang ng single-day vaccination sa buong mundo, nanguna ang China na mayroong 22 milyon, India na may 10 milyon, United States na may 3.48 milyon at Brazil na may 2.6 milyon. Kasunod nito ang Pilipinas.
Magtatagal nang tatlong araw ang National Vaccination Drive na nagsimula noong November 29 at magtatapos bukas, December 1.
(Toni Tambong)
The post Pilipinas, ika-lima sa may pinakamataas na vaccination rate sa mundo sa isang araw appeared first on News Patrol.
Pilipinas, ika-lima sa may pinakamataas na vaccination rate sa mundo sa isang araw
Source: Trending Filipino News
0 Comments