Binawi na ni Sen. Christopher “Bong” Go ang kandidatura sa pagka-bise presidente at tatakbo na sa pagka-pangulo.
Si Go ay naghain ng kandidatura sa Comelec kanina sa ilalim ng partidong Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS).
Samantala, si Pangulong Rodrigo Duterte ay maghahain naman ng kanyang kandidatura sa pagka-bise presidente via substitution sa Lunes, November 15, ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar.

(Photo courtesy: Screengrab PTV FB live; Pangulong Duterte itinaas ang kamay ni Sen. Bong Go sa Comelec, Sabado, Nov. 13)
Makakalaban ng pangulo ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte sa vice presidential race.
Kanina ay naghain ang kinatawan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ng substitution papers para sa pagtakbong bise presidente sa ilalim ng Lakas-CMD.
Samantala, umatras na rin ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa pagtakbong pangulo sa darating na 2022 elections sa ilalim ng PDP-Laban.
(NP)
The post Sen. Bong Go tatakbong pangulo, bise si Pangulong Duterte; Sen. Bato dela Rosa, umatras na appeared first on News Patrol.
Sen. Bong Go tatakbong pangulo, bise si Pangulong Duterte; Sen. Bato dela Rosa, umatras na
Source: Trending Filipino News
0 Comments