1,997 naitalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, Nov. 13

Pumalo na sa 2,815,080 ang kabuuang kaso ng mga nagkasakit sa bansa matapos makapagtala ng 1,997 ang Department of Health (DOH) ng panibagong kaso ng COVID-19.

Bahagyang tumaas ang bilang ng mga nahawaan kumpara kahapon na 1,894.

May naitalang 1,696 na gumaling at 238 ang pumanaw.

Ito na ang ikatlong araw na mababa sa 2,000 ang naitatalang nahawaan ng virus.

Ang bilang ng mga pumanaw ay tumaas kumpara kahapon na 170.

Ayon sa DOH, 216 sa bagong naitalang nasawi ay unang nai-tagged na gumaling.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa nasa 29,282 (1.0%) ang aktibong kaso

Nasa 2,740426 (97.3% ) na ang gumaling at 45,272 (1.61%) naman ang namatay.

Dagdag pa ng DOH na nasa 4.5 ang positivity base sa samples na nakuha mula sa 45,964 indibidwal noong Huwebes.

Sa pinakabagong ulat ng DOH, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 11, 2021 at lahat ng laboratoryo ang hindi  nakapagsumite ng datos sa  COVID-19 Document Repository System (CDRS).

 

(NP)

The post 1,997 naitalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, Nov. 13 appeared first on News Patrol.



1,997 naitalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, Nov. 13
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments