Kasama ang mga alimango, lobster at octopus sa bagong animal welfare bill na tinatalakay ngayon sa United Kingdom.
Ayon sa ulat ng CNN, lumabas sa review ng UK government na ang sea creatures na ito ay “sentient beings” o may kakayahang makaranas ng hirap at pagdurusa, kaya’t dapat mabigyan ng proteksyon.
Batay ito sa mahigit tatlong-daang scientific studies ng London School of Economics.
“The science is now clear that decapods and cephalopods can feel pain and therefore it is only right they are covered by this vital piece of legislation,” pahayag ni Animal Welfare Minister Lord Zac Goldsmith.
Kabilang sa cephalopods ay octopus, squid at cuttlefish, samantalang kabilang sa decapods ay alimango, lobster at crayfish.
Ayon sa ulat, hindi dapat niluluto nang buhay ang mga ito dahil nakararamdam ang mga ito ng paghihirap.
Kasama sa mga probisyon sa panukala ay ang tamang pag-transport at pagpatay sa mga sea creatures para sa human consumption.
Ayon pa sa CNN report, kabilang sa mga sinuri upang maituring na “sentient beings” ang mga sea creatures na ito ay learning ability, pagkakaroon ng pain receptors sa utak (kakayahan ng utak na makaramdam ng hirap at sakit), at behavior kung may banta sa buhay.
(PSH-NP)
The post Sea creatures gaya ng alimango, lobster at octopus, kabilang sa bagong UK animal welfare bill appeared first on News Patrol.
Sea creatures gaya ng alimango, lobster at octopus, kabilang sa bagong UK animal welfare bill
Source: Trending Filipino News
0 Comments