Pang. Duterte, sinagot kung bakit hindi pa rin pinahuli ang kandidatong gumagamit ng cocaine

Matapos isiwalat ni pangulong Duterte noong isang linggo na may mayamang presidential aspirant na  gumagamit ng cocaine na kanya pang inilarawan na isang “weak leader” ay hindi pa rin hinuhuli ang nasabing kandidatong durugista.

Ayon sa pangulo, kaya hindi siya masakote ng mga pulis dahil gumagamit siya ng cocaine sa mga ekslusibong lugar gaya ng yate o kaya naman ay sa private plane.

“Totoo ‘yan. There’s a candidate who was using cocaine. And you can ask ‘yong mga mayaman,” pahayag ni pangulong Duterte sa pagpapasinaya ng seaport at airport development projects sa General Santos City.

“Sabihin ng pulis, bakit hindi natin hinuli, bakit hindi hinuli ng Presidente. Hindi mo alam, mga mayaman, they do it on yacht or in the air. Doon ‘yan sila magsupsop,” dagdag pa ng pangulo.

“If you believe it, well, leave it that way. Basta sinabi ko. Let it not be said later on that I did not tell you,” saad pa ng pangulo.

“Alam mo ang tao, kailangan may kaunting disiplina. May kagaguhan man kami, ako mismo, pero may limit ako, may boundary ako. I do not cross it,” paliwanag pa ng pangulo.

Sa kabila nito, hindi pa rin naman pinangalanan ng Pangulo ang kanyang tinutukoy na kandidato.

Sa kabilang banda, nagkasa na si Philippine National Police chief Dionardo Carlos ng imebstigasyon rito na pangungunahan ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG).

(Toni Tambong)

 

The post Pang. Duterte, sinagot kung bakit hindi pa rin pinahuli ang kandidatong gumagamit ng cocaine appeared first on News Patrol.



Pang. Duterte, sinagot kung bakit hindi pa rin pinahuli ang kandidatong gumagamit ng cocaine
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments