Pilipinas, hiniling sa ICC na ipagpaliban ang imbestigasyon sa Duterte war on drugs

Hiniling ng gobyerno ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC) na ipagpaliban muna ang ginagawa nitong imbestigasyon sa war on drugs ng Duterte administration ayon sa report ng Inquirer.Net.

Sa liham na ipinadala sa ICC ni Philippine ambassador to The Netherlands, Eduardo Malaya, nitong Nov. 10, siniguro niya na iniimbestigahan na ang mga kaso kaugnay ng war on drugs at ang mga alegasyon ng crimes against humanity sa ilalim ng Article 7(1) ng Rome Statute na nagtatag sa ICC.

Ginawa ng Pilipinas ang hiling isang buwan matapos simulan ng Pre-Trial Chamber ng ICC ang full-blown investigation sa drug war sa pagitan ng mga petsang Nov. 1, 2011 at March 19, 2019 bago kumalas ang bansa sa Rome Statute.

Mula nang ibigay ng ICC ang go signal sa imbestigasyon, naging matigas ang Duterte administration na walang jurisdiction sa bansa ang ICC lalo’t may gumaganang judicial system na siyang responsable sa mga kaso at suspect sa drug war.

Sa ilalim ng Article 17 ng Rome Statute, nasasaad ang “principle of complimentarity” na ang ibig sabihin ay maaari lamang saklawin ng ICC ang jurisdiction ng isang bansa kung bigo ang national legal system nito na malitis at maparusahan ang mga krimen sa ilalim ng international law.

Ito ngayon ang ginagamit ng Pilipinas sa liham ni ambassador Malaya sa ICC.

“Beyond the conduct of investigations, the Philippine government is likewise keen on ensuring the successful prosecution of cases that have been filed or may be filed in court against erring police and others within its jurisdiction,”

At bilang supporta sa kanyang argumento, sinabi ni Malaya sa liham na sa ngayon, nire-review na ng Dept. of Justice ang 52 kaso ng drug raids sa pagitan ng 2016 at 2021 na nagresulta sa pagkamatay ng ilan.

Gayunman, minaliit ng legal group na Centerlaw ang pahayag na ito ni Malaya.

“On the contrary, the fact that only 52 cases of the estimated 30,000 killed have been reviewed reveals that the government’s feigned compliance with international justice was paper-thin.”

Ayon naman kay National Union of People’s Lawyers president Neri Colmenares, ang review ng DOJ ay isang “fatal legal mistake”.

“Even if they start now, it’s been six years almost, and we will argue before the ICC that the (inordinate delay) is a sign of unwillingness already,” paliwanag ni Colmenares.

(NP)

 

The post Pilipinas, hiniling sa ICC na ipagpaliban ang imbestigasyon sa Duterte war on drugs appeared first on News Patrol.



Pilipinas, hiniling sa ICC na ipagpaliban ang imbestigasyon sa Duterte war on drugs
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments