Pfizer magsusumite ng amyenda sa EUA para bakunahan ang edad 5-11 anyos

Inaasahan na ng Food and Drugs Administration na magsusumite ngayong November ang Pfizer ng amendment sa kanilang Emergency Use Authorization sa bansa para bakunahan ang edad 5 hanggang 11 taong gulang.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni FDA Administrator Eric Domingo na base sa kanilang karanasan sa Pfizer, dalawa hanggang tatlong linggo matapos na aprubahan ng US-FDA ang aplikasyon ng Pfizer ay nag-apply agad ito ng ammendment sa bansa kasabay ng pagsusumite ng kanilang datos.

“We will be waiting for that application para marebisa ng ating mga expert ang kanilang safety and efficacy data,” pahayag ni Domingo.

Samantala, sinabi naman ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na pinamumunuan din ang National COVID-19 Vaccination Operations Center na target ng gobyerno na bakunahan sa susunod na taon ang mga edad 5-11 anyos laban sa COVID-19.

Sa ngayon ay nagbabakuna na kontra COVID-19 sa mga bata edad 5-11 anyos sa America.

(Toni Tambong)

The post Pfizer magsusumite ng amyenda sa EUA para bakunahan ang edad 5-11 anyos appeared first on News Patrol.



Pfizer magsusumite ng amyenda sa EUA para bakunahan ang edad 5-11 anyos
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments