Pastor Apollo Quiboloy kinasuhan ng sex trafficking ng US prosecutors

(Photo: Pastor Apollo C. Quiboloy via FB)

Kinasuhan ng United States prosecutors ng sex trafficking si Pastor Apollo Quiboloy at dalawa pang kasamahan sa Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name (KOJC).

Sa 74-pahinang indictment charges laban kay Apollo Carreon Quiboloy, founder ng KOJC, sinabi ng mga prosecutor na pinipilit umano ni Quiboloy na makipagtalik sa kanya ang mga kababaihan sa ilalim ng pagbabanta sa mga ito ng “eternal damnation” at physical abuse.

Kabilang din sa kinasuhan ang dalawang US-based church administrators ng KOJC na kinilalang sina Teresita Tolibas Dandan at Helen Panilag.

Ayon sa mga prosecutor, sina Quiboloy, Dandan, at Panilag ay nagre-recruit ng mga kababaihang edad 12 hanggang 25 para magtrabaho bilang personal assistants o “pastorals” ni Quiboloy.

Nakasaad sa indictment charge na tatlo sa limang biktimang kababaihan ay mga menor de edad nang mangyari umano ang sex trafficking.

“Night duty”

Ang mga nasabing kababaihan ang naghahanda ng pagkain ni Quiboloy, naglilinis sa kanyang tahanan, nagmamasahe at nakikipagtalik sa pastor bilang parte ng kanilang “night duty”,  paglalahad sa indictment charge.

“Defendant Quiboloy and other KOJC administrators told pastorals that performing ‘night duty’ was ‘God’s will’ and a privilege, as well as a necessary demonstration of the pastoral’s commitment to give her body to defendant Quiboloy as ‘The Appointed Son of God’,” saad sa indictment.

Nakasaad din dito na ang sex trafficking scheme ay nagsimula noong 2002 at nagpatuloy hanggang 2018.

Si Quiboloy, na nagsabing “Owner of the Universe” at “Appointed Son of God”, ay matagal nang kaibigan at spiritual adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte.

(In photo: Pray-over kay Pangulong Rodrigo Duterte ni Pastor Apollo Quiboloy sa Davao City nitong Agosto. Photo: Pastor Apollo C. Quiboloy via FB)

Nitong September idinemanda naman ni presidential aspirant at Senador Manny Pacquiao ng libel si Quiboloy matapos akusahan ang senador na nangungurakot ng pondo para sa proyektong sports complex.

Previous case

Ayon sa federal prosecutors sa Los Angeles, kinasuhan noong isang taon ang tatlong US-based church administrators ng KOJC kaugnay sa iba pang akusasyon.

Sangkot diumano ang nasabing church administrators sa pagdadala ng church members sa Amerika gamit ang kwestyonableng visas.

Pinakakalap umano ang mga church members na ito ng donasyon para sa isang umanoy pekeng children’s charity.

Sinabi pa ng prosecutors na ginagamit ang mga donasyong ito para sa “lavish lifestyles” o marangyang pamumuhay ng naturang church leaders.

(Toni Tambong)

 

 

The post Pastor Apollo Quiboloy kinasuhan ng sex trafficking ng US prosecutors appeared first on News Patrol.



Pastor Apollo Quiboloy kinasuhan ng sex trafficking ng US prosecutors
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments