(Photo courtesy: PCG)
Sumadsad ang isang ferry sa bahagi ng Polambato, Bogo, Cebu kahapon, November 7.
Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), ang LCT Lite Ferry 30 ay umalis sa Matnog, Sorsogon sakay ang 42 pasahero madaling araw ng Linggo.
Sakay din ang 49 truck driver, cargo helpers, 34 rolling cargoes at 22 crew members.
Ayon sa master ng LCT Lite Ferry 30 na si Neil Avila, sumadsad ang barko habang nagmamaniobra sa labas ng channel patungong Polambato.
Maayos namang nailipat ng PCG ang mga pasahero sa Polambato Port habang ang 49 truck drivers at cargo helpers ay nanatili sa barko upang mabantayan ang kanilang kargamento.
Batay sa underwater inspection na isinagawa ng Coast Guard Sub-Station Bogo, Coast Guard Special Operations Unit – Central Visayas at Marine Environmental Protection Force – Central Visayas nakumpirma na walang oil spill o tagas na nangyari sa nasabing baybayin.
(Jocelyn Domenden)
The post Pasahero ng barkong sumadsad sa Cebu, nasagip ng PCG appeared first on News Patrol.
Pasahero ng barkong sumadsad sa Cebu, nasagip ng PCG
Source: Trending Filipino News
0 Comments