Pang. Duterte, posibleng isama sa senatorial slate ni presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr.

Pinag-aaralan ngayon ng kampo ni presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr. na isama sa kanilang senatorial slate si Pang. Rodrigo Duterte.

Kahapon, sa deadline ng substitution ng mga kakandidato sa 2022 elections, nagsumite ng kanyang kandidatura pagka-senador si Duterte sa pamamagitan ng isang kinatawan.

Naunang sinabi ng Malakanyang na maghahain ng kandidatura si Duterte sa pagka-bise presidente pero nagbago ang desisyon at senador na lang ang itatakbo sa 2022.

Ngunit hindi sa ilalim ng kanyang partidong PDP-Laban tatakbo ang pangulo kundi sa partidong PDDS kung saan din tatakbo bilang pangulo ang kanyang matagal nang aide at ngayon ay senador na si Bong Go.

Ito umano ay para maiwasang magbanggaan sila ng anak na si Davao City mayor Sara Duterte-Carpio na tatakbo ring bise presidente sa ilalim ng partidong Lakas-CMD at adopted running mate ni Marcos sa kanyang Partido Federal ng Pilipinas.

Ayon sa secretary general ng partido na si Thompson Lantion, nakatakdang ihayag ni Marcos ang kanyang senatorial ticket sa Huwebes, Nov. 18.

Dagdag pa ni Lantion, tatalakayin din ng executive committee ng kanilang partido ang posibleng pagsama kay Duterte sa kanilang senatorial slate.

(NP)

 

 

The post Pang. Duterte, posibleng isama sa senatorial slate ni presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr. appeared first on News Patrol.



Pang. Duterte, posibleng isama sa senatorial slate ni presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr.
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments