Kasong possession of illegal drugs laban kay Julian Ongpin, ibinasura ng korte

Ibinasura ng Regional trial court sa La Union ang kasong possession of illegal drugs laban kay Julian Roberto Ongpin.

Sa labindalawang pahinang kautusan na pirmado ni Presiding Judge Romeo Agacita, Jr. ng San Fernando Regional Trial Court branch 27, tinukoy nito ang kawalan ng probable cause laban kay Ongpin.

Bunsod umano ito ng hindi pagsunod ng mga otoridad sa requirements ng Section 21 ng Republic Act 9165 kaugnay sa inventory ng mga nakukumpiskang ebidensya sa kaso ng iligal na droga.

Tinukoy ng korte ang kawalan ng insulating witness gaya ng miyembro ng media at elected official gayundin ni Ongpin sa pag-iimbentaryo ng mga nakumpiskang ebidensya na isang paglabag sa chain of custody.

Kasabay nito, iniutos din ng korte ang pagbawi sa Precautionary Hold Departure Order na inisyu laban kay Ongpin.

Noong September 2021 ay nahulihan umano ng labindalawang gramo ng cocaine si Ongpin sa loob ng hostel room na  tinuluyan nila ng umano’y kasintahang si Bree Jonson.

Matatandaang noong September 18, 2021, bandang alas kwatro ng madaling araw ay nakarinig umano ng komosyon ang security officer na si Joselito Niebres ng Flotsam Jetsam Hostel sa Barangay Urbiztondo sa San Juan, La Union.

Ang ingay ay nagmula sa 3rd floor ng hostel kung saan may mga boses ng babae at lalaki na nagtatalo at natapos sa noong makarinig ng tila nabasag na salamin.

Agad na tiningnan ito ng security guard at nakita na nabasag ang bintana sa kwarto  at nagkalat din ang mga basag na salamin.

Binuksan umano ng isang lalaki ang kwarto at sinabi niyang nagpakamatay ang kanyang girlfriend.

Ang biktima ay nakilalang si Breana Patricia Agunod o Bree Jonson na  unconscious.

Sa bandang huli ay namatay sa ospital si Jonson ng inventory.

(NP)

The post Kasong possession of illegal drugs laban kay Julian Ongpin, ibinasura ng korte appeared first on News Patrol.



Kasong possession of illegal drugs laban kay Julian Ongpin, ibinasura ng korte
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments