(Photo: Dong Del Mundo)
Ang pagpapaturok ng third dose ay isinasagawa ng pamahalaan dahil na rin sa mga ulat na bumababa ang immunity ng mga taong naturukan ng bakuna pagkalipas ng anim na buwan.
Sa Quezon City, ilan sa mga health care worker ay maagang nagpunta sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) para sa kanilang booster shots.
Ang mga bakunang Pfizer, Moderna at Sinovac vaccine ang ginagamit para sa booster shots.
Bukod sa tatlong brand ng bakuna, inaprubahan na rin ng Food and Drug Administration ang Astrazeneca at Sputnik V vaccines para sa third dose.
Samantala, maari na ring turukan ng booster shots ang mga 18 years old na madalas ma-expose sa Covid-19 at mga senior citizens.
(NP)

The post Pagtuturok ng booster shots sa mga healthcare worker, simula na ngayong araw appeared first on News Patrol.
Pagtuturok ng booster shots sa mga healthcare worker, simula na ngayong araw
Source: Trending Filipino News
0 Comments