On-site workers required nang maging vaccinated

(Photo courtesy: Philippine News Agency)

Simula December 1, kinakailangang bakunado na laban sa COVID-19 ang lahat ng mga on-site workers sa pribado at pampublikong sektor.

Ito ang bagong patakaran ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

Kung hindi bakunado ang empleyado, hindi naman siya tatanggalin sa trabaho ngunit kailangan niyang mag-regular RT-PCR o antigen testing, at hindi sasagutin ng kumpanya ang bayad para dito.

Maaaring magpabakuna ang empleyado sa oras ng trabaho basta’t may kumpirmadong schedule, at hindi siya ituturing na absent.

Para sa mga hindi eligible na mabakunahan, kailangang magpakita ng medical clearance mula sa government health office.

Dagdag pa ng IATF, dapat ay bakunado ang lahat ng kawani sa public transport sector, kabilang ang land, sea at air transport.

(NP)

The post On-site workers required nang maging vaccinated appeared first on News Patrol.



On-site workers required nang maging vaccinated
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments