National vaccination drive, idineklarang special working days

Idinekalara ng Malakanyang na special working days ang Nobyembre 29 at Disyembre 1, 2021 para sa gaganaping three day national COVID-19 vaccination drive.

“Sa pagkakaalam ko, magiging special working day siya,” ayon kay Acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Sa ngayon, naghahanda na ang Local Government Units (LGUs) para sa nasabing event.

Para naman sa National Vaccines Operation Center (NVOC), pasisimplehin ang mga requirements sa national COVID vaccination days, at hinihikayat na rin ang mga LGU na tumanggap ng mga walk in sa mga araw na iyon.

Target ng gobyerno, makapagbakuna ng 15 milyong Pilipino sa loob lang ng tatlong araw na vaccination drive.

Planong itaas sa 11,000 ang kasalukuyang 8,000 active COVID vaccination sites sa buong bansa para sa pagdaraos ng national vaccination drive.

Nasa 170,000 hanggang 200,000 na healthworkers naman ang planong ilagay dito sa tulong ng concerned government agencies, private sector at non-government organizations.

 

(Toni Tambong)

The post National vaccination drive, idineklarang special working days appeared first on News Patrol.



National vaccination drive, idineklarang special working days
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments