Higit 1.3M Moderna vaccines dumating sa bansa

(Photo courtesy: PNA)

Dumating pa ang karagdagang 1,306,000 doses ng Moderna COVID-19 vaccine ngayong Biyernes.

Bandang alas 9:51 a.m. nang lumapag ang pinakabagong shipment sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1, ayon sa National Task Force Against COVID-19.

Ayon kay Deputy Presidential Peace Adviser Undersecretary Isidro Purisima, makatutulong ang karagdagang bakunang dumating  para sa gagawing National Vaccination Drive, isang mass immunization event na tinawag na “Bayanihan Bakunahan” at layong  makapagturok ng 15 milyong indibidwal.

Gagawain ang nasabing programa sa November 29 hanggang December 1, 2021.

“We have enough vaccines for ramping up of our vaccination. We are encouraging our people to be vaccinated and we will have national vaccine days,” pahayag ni Purisima.

Sa kabuuan, nasa 130 milyong bakuna na ang dumating sa Pilipinas mula noong February 28.

Samantala, dumating din ang 609,570 doses ng Pfizer-BioNTech Covid-19 vaccine, Huwebes ng gabi.

Lumapag ang Air Hong Kong flight LD456 sakay ang mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 bandang alas 9:20 ng kagabi.

 

Pinasalamatan naman ni Assistant Secretary Wilben Mayor, head ng NTF Against COVID-19’s sub-task group on current operations ang United States government para sa nasabing shipment.

“We have administered 72 million, and out of that 72 million plus administered vaccine, 40,179,796 doses for the first dose and 32,158,581 for those fully vaccinated representing 42.24% of the target population of the Philippines,” pahayag ni Mayor.

“Sa ating kababayan, ine-encourage namin kayo magpabakuna na dahil napakarami na nating bakuna. Sabi nga ang pinakamagandang regalo natin sa Pasko, sabi ni Secretary Carlito Galvez, ay ang bakuna. Maligayang Pasko ang bakunado,” dagdag pa ni Mayor.

Ayon kay Mayor, inaasahan pa ang pagdating ng dagdag na 609,570 doses ng Pfizer ngayong Biyernes, Nov. 19.

(Jocelyn Dumenden/Toni Tambong)

 

The post Higit 1.3M Moderna vaccines dumating sa bansa appeared first on News Patrol.



Higit 1.3M Moderna vaccines dumating sa bansa
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments