Mt. Pinatubo, nagtala ng mahihinang pagsabog ayon sa Phivolcs

(File photo)

Nakapagtala ng mahinang pagsabog o ‘weak explosion’ ang Bulkang Pinatubo.

Ayon ito sa Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong hapon, November 30.

Sa isang statement, sinabi ng Phivolcs na nakapagtala ang bulkan ng dalawang mahihinang pagsabog.

“The Pinatubo Volcano Network recorded seismic and infrasound signals of a weak explosion at Mt. Pinatubo between 12:09 PM and 12:13PM.”

“The seismic and infrasound signals are not typical of known volcanic processes and are currently being evaluated together with other potential sources,” ayon pa sa ahensya.

Ayon pa sa Philvolcs, ang nasabing aktibidad ng bulkan ay na-detect ng Himawari-8 Satellite at naiulat sa DOST-PHIVOLCS ng Tokyo Volcanic Ash Advisory Center.

Hanggang sa ngayon ay hinihintay pa ang kumpletong impormasyon patungkol dito.

Nagbabala naman ang ahensya sa publiko na huwag munang pumunta malapit sa paligid ng bulkan.

Pinayuhan din ang local government units na pagbawalan ang pagpasok sa Pinatubo Crater hanggang malaman na ang tunay na kalagayan ng bulkan.

Hanggang sa ngayon ay hinihintay pa ang kumpletong impormasyon patungkol sa nasabing aktibidad ng Mt. Pinatubo.

(Toni Tambong)

The post Mt. Pinatubo, nagtala ng mahihinang pagsabog ayon sa Phivolcs appeared first on News Patrol.



Mt. Pinatubo, nagtala ng mahihinang pagsabog ayon sa Phivolcs
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments