425 COVID-19 cases ngayong araw, pinakamababa mula noong July 2020

Nagtala ang Pilipinas ng panibagong 425 na bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, November 30.

Ito ang pinakamababang tally ng Department of Health simula pa noong July 2, 2020 kung kailan nakapagtala ng 294 na kaso.

Umakyat naman sa 2,832,734 ang kabuuang bilang ng infections at may total recoveries na 2,768,389.

Samantala, mayroon namang naitalang 909 na gumaling at 44 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.6% (15,800) ang aktibong kaso, 97.7% (2,768,389) na ang gumaling, at 1.71% (48,545) ang namatay.

Ayon sa pinakabagong ulat, 2 laboratoryo ang hindi operational noong November 28, 2021 habang may 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Samantala, sa kabila ng mungkahing mas luwagan pa ang restriksyon sa bansa dahil sa patuloy na pagbaba ng mga kaso, pinalawig pa ng gobyerno ang Alert Level 2 status sa Metro Manila at iba pang lungsod at munisipalidad hanggang sa December 15.

(NP)

The post 425 COVID-19 cases ngayong araw, pinakamababa mula noong July 2020 appeared first on News Patrol.



425 COVID-19 cases ngayong araw, pinakamababa mula noong July 2020
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments