Mga sakit na prayoridad sa COVID-19 booster shot, inilabas ng DOH

Inilabas ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes, Nov. 19, ang listahan ng mga immunocompromised conditions o sakit na ipaprayoridad sa pagbabakuna ng COVID-19 booster shot.

Sa anunsyo ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ibinase ang listahan ng immunocompromised conditions mula sa rekomendasyon ng World Health Organization’s Strategic Group of Experts on Immunization (WHO’s SAGE).

Kabilang dito ang mga sumusunod:

mga ginagamot sa kanser para sa tumor o dugo

nakatanggap ng organ transplant o sumasailalim sa immunosuppressive therapy

nakatanggap ng stem cell transplant sa loob ng huling dalawang taon

may katamtaman o malubhang estado ng immunodeficiency

may advanced o hindi nagamot na HIV infection

tumatanggap ng aktibong gamot na may corticosteroids o iba pang mga gamot na maaaring sugpuin ang immune response

mga pasyente ng dialysis

mga taong may autoimmune disease at sumasailalim sa treatment na may partikular na immunosuppressive na gamot

may mga kondisyon na itinuturing na katumbas na antas ng immunocompromised ayon sa payo ng kanilang doktor

mga taong may bihirang sakit.

Sinabi ni Vergeire na ang mga indibidwal na may ganitong mga kondisyon ay kailangang kumuha ng medical clearance mula sa kanilang mga doktor bago turukan ng third dose ng bakuna laban sa COVID-19.

(Toni Tambong)

The post Mga sakit na prayoridad sa COVID-19 booster shot, inilabas ng DOH appeared first on News Patrol.



Mga sakit na prayoridad sa COVID-19 booster shot, inilabas ng DOH
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments