(Photo Courtesy: RTVM FB)
Ikinakasa na ng gobyerno ang National Vaccination Drive para sa mga hindi pa bakunado.
Dahil diyan, hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sambayanang Pilipino na hindi pa nababakunahan na makilahok sa ilulunsad na 3day National Vaccination drive na gagawin sa November 29 hanggang December 1.
Sa Talk to the People ng pangulo noong Martes ng gabi, November 9, binigyang diin ng presidente ang kahalagahan ng Covid-19 vaccines at sana’y mamulat na aniya ang mga kumokontra pa rin dito.
“We are planning to conduct a three-day national vaccination drive from November 29 to December 1 coinciding with our November 30 commemoration of Bonifacio Day. With this, we want to convey the message that every Filipino who will get vaccinated…Lahat na pala, ang gustong sabihin dito sa gobyerno na ‘yung lahat nagpabakuna are heroes, lahat kayo hero.” ayon kay Pangulong Duterte.
Bukod dito, binanggit din ng pangulo ang koneksyon ng pagbabakuna sa aspeto ng trabaho.
Paniwala niya, kung mag-a-apply pa lamang sa isang kumpanya ang isang indibidwal, may karapatan ang employer na isama sa hiring requirements ang vaccination nang wala itong nilalabag na batas.
“I think that is legal. You have the right to refuse or to accept as an employee somebody who is not vaccinated and will go and join the rest of employees and the factory or the place or whatever you have as your business this guy would start to contaminate everybody,” sabi pa ng Pangulo.
Samantala, tiniyak naman ni IATF Chair at Health Secretary Francisco Duque III na bagama’t bumababa na ang Covid-19 cases sa bansa, patuloy pa rin ang kanilang mga hakbang para mas makontrol pa ang pandemya sa bansa.
Bukas, Huwebes, Novemeber 11, may panibagong pulong ang IATF at isa sa posibleng tatalakayin dito ay kung paluluwagin na nga ba ang patakaran sa paggamit ng face shield sa bansa.
Pero bago pa ito ay una nang iprinisinta ni Secretary Duque ang inisyal nilang rekomendasyon na humihiling sa pangulo na luwagan na ang panuntunan ukol dito.
“Batay po sa inyong direktiba, ito po ay padaraanin muna sa IATF bago po namin i-sumite for your approval, Ms. President. Aming inirerekomenda ang voluntary use ng face shields sa mga community settings na nasa Alert Level 1 at Alert Level 2 maliban sa public transport. Pero ang final set of recommendations ay dadaan muna sa IATF ngayon pong Huwebes.”
At dahil sa malapit na ang eleksyon, nabanggit din ni Pangulong Duterte ang paalala niya sa Commission on Elections (COMELEC).
“I’d like to remind the COMELEC that you must give the candidates really the space and the — whatever modalities there. Because there can never be an election without a campaign and other people cannot also afford — some candidates cannot afford the expense of the TV exposures,” dagdag pa ng pangulo.
(NP)
The post Mga Pilipino, hinikayat ni President Duterte na magpabakuna sa 3-day National Vaccination Drive appeared first on News Patrol.
Mga Pilipino, hinikayat ni President Duterte na magpabakuna sa 3-day National Vaccination Drive
Source: Trending Filipino News
0 Comments