Nanawagan ang Philippine Medical Association sa mga magulang at guardian na huwag isama ang mga 11-anyos pababa sa loob ng mga mall sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ito ang naging pahayag ni Dr. Benito Atienza, PMA president, sa kabila ng pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa na nag-udyok sa mga panawagan na paluwagin ang quarantine restrictions.
“Kahit anong level ang ipatupad, ang hiling natin sa mga magulang ay huwag muna dalhin sa mga mall ang ating mga anak lalo na sa 11 years old pababa,” giit ni Atienza sa Laging Handa briefing.
“Wala pang available na bakuna sa kanila. Ang kailangan ay dalhin sila sa mga park, may social distancing,”dagdag pa niya.
Ang panawagan ay bunsod ng naiulat na nagpositibo ang isang dalawang taong batang lalaki matapos magpunta sa mall.
Nanindigan naman ang Department of Health na isa lamang itong isolated case.
(Toni Tambong)
The post Mga batang 11-anyos pababa, huwag isama sa mall ayon sa grupo ng mga doktor appeared first on News Patrol.
Mga batang 11-anyos pababa, huwag isama sa mall ayon sa grupo ng mga doktor
Source: Trending Filipino News
0 Comments