Bumaba rin ang active cases ngayong araw sa 18,721.
Samantala, nasa 47,482 o 1.68% ang kabuuang bilang ng namatay sa Covid-19.
Ngayong araw, nasa 195 ang nasawi dahil sa virus.
Base pa rin sa datos ng DOH, ito na ang ika-pitong magkakasunod na araw na lampas sa 150 ang bilang ng namatay.
Ang gumaling naman ngayon ay nasa 2,182.
Sa kabuuang bilang, nasa 97.7% (2,761,617) na ang gumaling at 1.68% (47,482) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, 2 laboratoryo ang hindi operational noong November 21, 2021 habang mayroong 8 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

The post Mahigit 1,000 Covid-19 cases, naitala ngayong araw Nov. 23 appeared first on News Patrol.
Mahigit 1,000 Covid-19 cases, naitala ngayong araw Nov. 23
Source: Trending Filipino News
0 Comments