Nagpaliwanag ang OCTA Research Group sa dahilan ng biglaang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sinabi ni OCTA Research fellow Guido David, isa sa nakikita nilang dahilan nito ay ang pagkakaroon na ng immunity ng isang tao bago pa man ito tamaan ng nasabing sakit.
Partikular na dahilan ang mabilis at malawak na COVID-19 vaccination sa Metro Manila.
Nitong Lunes, November 22 ay sinabi ng OCTA Reseach group na maaaring nalalapit na sa herd immunity ang Pilipinas kasabay ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Maging si David ay nagulat sa pagkakaroon na lamang ng nasa 1,300 kada araw na kaso ng COVID-19 mula sa pinakamataas nitong 26,000 na kaso.
Maliban sa Pilipinas, nakakita rin ng ganitong karanasan ang India kung saan sa ilang lugar ay 50% sa mga residente nito ang nakabuo na ng antibodies.
“Pero sabihin natin, suppose it was higher like 20% of the population and then you add ‘yung vaccination, then you could already be at mga 80% with antibodies so that is significant protection,” pahayag ni David sa panayam ng One News.
Paliwanag pa ni Guido sa ibang mga bansa na nakararanas ng surge sa COVID-19, ito ay dahil sa nagpaka-kampante kaagad ang mga ito sa pagsisikap na makabalik na sa old normal.
(Toni Tambong)
The post Herd immunity, malapit nang makamit ng Pilipinas ayon sa OCTA Research appeared first on News Patrol.
Herd immunity, malapit nang makamit ng Pilipinas ayon sa OCTA Research
Source: Trending Filipino News
0 Comments