(Photo courtesy: Philippine News Agency)
Itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Philippine Army commander Lt. Gen. Andres Centino bilang bagong hepe ng Armed Forces of the Philippines.
Papalitan niya si chief of staff Jose Faustino Jr. na nagretiro na sa serbisyo dahil sa mandatory age na 56.
Si Centino ay bahagi ng Philippine Military Academy’s “Maringal” Class of 1988 kasama si Lt. Gen. Dionardo Carlos na ngayon naman ay uupo bilang hepe ng Philippine National Police.
Ang bagong AFP chief ay ika-labing-isang appointee ng pangulo sa loob ng anim na taon. Kritikal ang kanyang magiging papel lalo’t sinabi ng pangulo na aatasan niya ang militar upang mapanatiling mapayapa ang darating na halalan.
Nakatakdang magretiro si Centino sa Pebrero 2023.
(Toni Tambong)
The post Lt. Gen. Andres Centino, uupo na bilang bagong AFP chief of staff appeared first on News Patrol.
Lt. Gen. Andres Centino, uupo na bilang bagong AFP chief of staff
Source: Trending Filipino News
0 Comments