Inflation rate sa bansa, bumagal sa 4.6% nitong October

(Photo courtesy: Screengrab Philippines Statistics Authority FB live)

Bumagal pa ang antas ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin o  inflation rate sa 4.6% nitong October, ayon sa  Philippine Statistics Authority ngayong Biyernes.

Sinabi ni National Statistician Dennis Mapa sa isang virtual briefing na mas mabagal ang inflation rate nitong October kumpara sa 4.8% noong September.

Pero mas mabilis naman kumpara sa 2.5% sa kaparehas na buwan noong 2020.

Ang nasabing inflation rate ay pasok sa target ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 4.5-5.3% range para sa October.

Nauna nang sinabi ng BSP na ang sunod-sunod na oil price hike ay makapagpapataas ng inflation sinabayan pa ng mataas na Meralco power rates, presyo ng isda at prutas maging ang mahinang performance ng piso.

(Toni Tambong)

The post Inflation rate sa bansa, bumagal sa 4.6% nitong October appeared first on News Patrol.



Inflation rate sa bansa, bumagal sa 4.6% nitong October
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments