Higit 71M na Pinoy, bakunado na

‍Umabot na sa 71,689,132 doses ng Covid-19 vaccines ang naiturok sa buong bansa.

Sa bilang na ito, 32,212,344 Pinoy na ang fully vaccinated laban sa nakamamatay na COVID-19.

Inanunsyo ito ni National Task Force (NTF) against Covid-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. kung saan nagpahayag din siya ng kumpyansa na magagawang mabakunahan ang kalahati ng populasyon ng bansa hanggang katapusan ng November.

Makatutulong sa target na ito ng gobyerno ang three-day national vaccination drive na isasagawa mula November 29 hanggang December 1.

Sa pinakahuling datos, nakatanggap na ang Pilipinas ng 128,444,400 doses ng COVID-19 vaccines, parehong binili at donasyon.

“More than 16 million doses are still expected to arrive this November, which means that by the end of this month, we would be receiving 140 million doses since February. These will be crucial as we carry out a more aggressive vaccination rollout nationwide,” sabi pa ni sec. Galvez..

(Toni Tambong)

The post Higit 71M na Pinoy, bakunado na appeared first on News Patrol.



Higit 71M na Pinoy, bakunado na
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments