Covid-19 death toll sa buong mundo, higit 5 milyon na

‎Umabot na sa 5,113,287 indibidwal ang namatay dahil sa Coronavirus Disease 2019 simula nang magka-outbreak sa China  noong December 2019, ayon sa  datos ng ng AFP.

Umabot naman sa 254,298,140 COVID-19 cases ang naitala sa buong mundo.

Karamihan sa mga ito ay nakarekober na, ngunit ang iba ay nananatiling nakararamdam ng sintomas ilang linggo o buwan matapos gumaling.

Ayon sa World Health Organization, ang aktwal na datos ukol sa COVID-19 ay maaaring mas mataas pa ng dalawa hanggang tatlong beses dahil sa mga kasong hindi pormal na naitatala.

Nangunguna pa rin ang Amerika sa may pinakamaraming namatay na COVID-19.

Umabot sa 765,913 ang Covid-19 death mula sa 47,311,015 cases.

Sumunod dito ang Brazil sa 611,478 patay mula sa 21,965,684 cases, India sa 464,153 patay mula sa 34,466,598 cases, Mexico sa 291,241 patay mula sa 3,847,243 cases at Russia  259,084 patay mula sa 9,182,538 cases.

(Toni Tambong))

The post Covid-19 death toll sa buong mundo, higit 5 milyon na appeared first on News Patrol.



Covid-19 death toll sa buong mundo, higit 5 milyon na
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments