(Photo courtesy: Screengrab from VOA news)
Patay ang 98 katao sa Freetown ang capital ng Sierra Leone dahil sa malakas na pagsabog ng fuel tanker, ayon sa West African country disaster management agency noong Sabado, November 6.
Naganap ang pagsabog nang bumangga ang fuel tanker sa isang truck sa petrol station noong gabi ng Biyernes, ayon sa mga witness.
Kumalat ang apoy kung saan nasunog ang mga taong nasa loob ng mga sasakyan at nasa kalapit na kalsada.
Karamihan sa mga biktima ay street vendors at motorcyclists.
Ayon kay Jusu Jacka Yorma, isang volunteer worker na nasa pinanyarihan ng insidente na marami ang naipit sa apoy habang sinusubukang kunin ang mga tumagas na fuel mula sa tanker bago pa ito magliyab.
Ayon naman sa National Disaster Management Agency, nasa 98 ang naitalang namatay sa ngayon at ang 92 na nakaligtas ay naka-admit sa iba’t ibang ospital sa Freetown.
Nauna nang sinabi ni Vice-President Mohamed Juldeh Jalloh na 98 ang namatay matapos niyang puntahan ang pinangyarihan ng pagsabog.
Dagdag pa ni Jalloh na libre ang pagpapagamot ng mga nasugatan sa pagsabog.
Karamihan sa mga biktimang babae, lalake at bat na dinala sa ospital ay nagtamo ng serious injuries.
Marami pa rin ang mga tao sa pinangyarihan ng trahedya na naghahanap sa kanilang mga nawawalang kaanak.
Ang tanggapan ng United Nations sa Sierra Leone ay nagpahayag naman ng pakikiramay sa kamag-anak ng mga biktima.
“The UN family closely monitors the situation and stands ready to help with the response to the fire, ayon sa pahayag ng UN.
(NP)

The post Halos 100 katao, patay sa pagsabog ng fuel tanker sa Sierra Leone appeared first on News Patrol.
Halos 100 katao, patay sa pagsabog ng fuel tanker sa Sierra Leone
Source: Trending Filipino News
0 Comments