Nagbabala ang National Privacy Commission (NPC) sa publiko laban sa mga spam text messages o e-mails na nag-aalok ng mga trabaho pero manloloko pala.
Posible umanong isang global organized syndicate ang nasa likod ng SMS-based phishing scam na ito.
Ito ang sinabi ni Commissioner Raymund Liboro ng National Privacy Commission sa public briefing ng Malacanang.
Ayon pa kay Liboro, minsan ay nagpapanggap ang mga sindikato bilang online shopping companies at malalaking malls at nag-aalok umano ng malaking suweldo pero hindi naman totoo.
“Isang international global na sindikato ang gumagawa nito at gumagamit ng mga numero na nakuha nila sa ibang paraan, malalaking database po na ginagamit nila dito,” sabi ni Liboro.
“Maaring nanggaling sa mga dating na-breach o na-hack. Ginagalugad na rin natin ang dark web para malaman kung merong nag-trade ng numbers ng mga Pilipino diyan,” dagdag pa niya.
Ayon sa NPC, malabong nakuha ang mga numero sa contact tracing forms.
Paalala ng NPC, huwag maniwala sa mga text messages na nagbibigay ng ‘too good to be true’ na alok na mga trabaho.
(Toni Tambong)
The post Global organized syndicate nasa likod ng employment text scam appeared first on News Patrol.
Global organized syndicate nasa likod ng employment text scam
Source: Trending Filipino News
0 Comments