100 daily Covid-19 cases sa NCR, posibleng maranasan sa Pasko

(File)

Maaaring mas bumaba pa sa 100 ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila pagsapit ng Pasko.

Ito ang nakikitang posibilidad ng OCTA Research Group kung saan sa kasalukuyan ay bumaba na lamang sa 300 ang bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon na pinakamababa mula noong Enero.

Sa ulat ng OCTA Research Group, Martes, November 23, ang arawang bagong kaso ng sakit sa NCR ay nasa average na 293 na lamang simula November 16 hanggang 22.

“Based on current trends, the 7-day average in the NCR could decrease to less than 200 by the first week of December and to less than 100 around Christmas,” ayon pa kay OCTA Research fellow Dr. Guido David.

Sa kabila nito, nagpaalala naman si David na panatilihin pa rin ang pagsunod sa minimum public health standards upang manaitili ang mababang kaso ng sakit.

“The positive growth observed in new COVID-19 cases in the NCR during the previous week (from November 7 to 11) has reverted back to negative growth, with a most current growth rate of -31%,” dagdag pa ni David.

Samantala, nasa 0.50 naman ang kasalukuyang reproduction number sa National Capital Region (NCR).

(Toni Tambong)

The post 100 daily Covid-19 cases sa NCR, posibleng maranasan sa Pasko appeared first on News Patrol.



100 daily Covid-19 cases sa NCR, posibleng maranasan sa Pasko
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments