(File)
Maaaring magpataw ng karagdagang paghihigpit o restriksyon ang local government units (LGU’s) sa mobility o paggalaw ng mga bata, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Ang pahayag ni Vergeire ay kasunod ng ibinahagi ng isang doctor noong nakaraaang linggo sa social media kung saan nagpositibo ang isang 2-taong gulang na batang lalaki matapos mamasyal sa mall.
Ayon pa kay Vergeire, nasa LGU din ang otoridad na i-evaluate ang kanilang sitwasyon .
Maari din aniya silang magbigay ng karagdagang restrictions kung tingin nila ay kailangan i-restrict nang kaunti ang paglabas ng mga bata.
Gayunpaman, binigyang-diin ni Vergeire na ang pagpayag sa mga bata na lumabas sa gitna ng pandemya ay may mga benepisyo din sa kalusugan.
Ito aniya ay upang magkaroon ng interaction sa ibang mga bata at magkaroon ng oras na mag-ehersisyo.
Dagdag pa niya, maituturing na isolated case lamang ang kaso ng batang nagpositibo sa Covid-19 noong isang linggo.
Nakaranas umano ng mild symptoms ang bata na nagpositibo sa Covid 19 .
Ang DOH naman aniya ay nakikipag-usap na sa pamilya ng bata.
“Kailangan lang talaga bantayan maigi at saka siyempre ‘yung contact tracing natin ginagawa natin sa ngayon. So they are being monitored and they are being managed properly,” dagdag pa ni Vergeire.
Samantala, muling iginiit ni Vergeire na hindi tiyak kung ang biyahe sa mall ang dahilan kung bakit nagpositibo sa COVID-19 ang dalawang taong gulang na bata.
May iba pang factor aniya na maaaring dahilan kaya ito nagpositibo na tinitingnan na rin ng ahensya.
(Jocelyn Domenden)
The post DOH:LGUs, pwedeng magpatupad ng dagdag na restriksyon tungkol sa paglabas ng mga bata appeared first on News Patrol.
DOH:LGUs, pwedeng magpatupad ng dagdag na restriksyon tungkol sa paglabas ng mga bata
Source: Trending Filipino News
0 Comments