DOH: Karagdagang 630 kaso ng Delta variant naitala sa bansa

Naitala pa ang karagdagang 630 kaso ng mas nakahahawang COVID-19 Delta variant, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong araw, Nov. 15.

Ang kabuuang kaso ng Delta variant sa bansa ay umabot na sa 6,612.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang bagong 630 kaso ay nakita sa 666 samples na nakolekta noong March, September, October at November.

Sa mga sample, isa lang ang nagpositibo sa Alpha variant.

“We are doing retrospective sample to trace the beginnings of the Delta variant introduction to the country as well as the earliest cases,” pahayag ni Vergeire.

“So we started this retrospective sampling, I think it started off last June when we started getting samples also from April and May dahil doon natin unang naitala, nakakita tayo at naka-detect ng Delta variant,” paliwanag pa ni Vergeire.

“So gusto natin makita as to the specific area and the specific timeframe kung kailan pumasok itong ganitong klaseng variant sa ating bansa,” dagdag pa ni Vergeire.

(Toni Tambong)

 

The post DOH: Karagdagang 630 kaso ng Delta variant naitala sa bansa appeared first on News Patrol.



DOH: Karagdagang 630 kaso ng Delta variant naitala sa bansa
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments